Sabado, Agosto 8, 2015

Pangalawang Hinto: Dating Kinatatayuan ng ATENEO MUNICIPAL DE MANILA

Isang pribadong pamantasang pinatatakbo ng mga Heswita sa Pilipinas ang Pamantasang Ateneo de Manila (Ateneo de Manila University sa wikang Ingles). Matatagpuan sa Lungsod Quezon sa Metro Manila ang pangunahing paaralan nito. Naghahandog ito ng iba't ibang mga programa para sa elementarya, sekondarya, at kolehiyong antas gaya ng sining, humanidades, pangangasiwa, batas, agham panlipunan, teolohiya, purong agham at teknolohiya.

Ateneo De Municipal
Source: Google
            Si Rizal ay nagpunta ng Maynila noong June 20, 1872 upang kumuha ng kumuha ng pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa sa Colegio ng San Juan de Letran. Nagbalik si Rizal sa Calamba mula sa Maynila para dumalo ng kapistahan sa kaniyang pagbabalik sa Maynila ay nagbago ng isip si Rizal at nagbalak na pumasok sa Ateneo.

Panandaan ng Ateneo De Municipal
           Hindi siya agad tinanggap sa Ateneo Municipal de Manila dahil maliit siya, mukhang sakitin at matagal nang nagsimula ang pag-aaral sa taong iyon. Mabuti na lamang at natulungan sila ni Padre Manuel Xerex Burgos, pamangkin ni Padre Jose Burgos, upang makapag-aral sa nasabing paaralan.  Si Padre Jose Bech S.J. ang naging guro ni Rizal sa kanyang unang taon sa Ateneo. 

           Sa ikalawang taon ni Rizal sa Ateneo ay hindi siya kinitaan ng pangunguna sa klase dahil sa mga masasamang puna ng ibang guro sa kanya. Sa taong ito ay dumating din dito ang iba niyang mga naging kamag-aral sa Binan. Nahiligan din niyang magbasa ng mga aklat.  

Dating kinatatayuan ng Ateneo de Municipal isa nalang syang malaking tent. 
           Nang dumating ang ikatlong taon niya sa Ateneo ay wala pa ring magandang resulta sa pag-aaral ni Rizal. Naunahan pa siya ng kanyang mga kamag-aral na Espanyol sa wikang Espanyol dahil sa mga husay nila sa pagbigkas ng salita. Sa taong din ito ay lumaya na ang ina ni Rizal sa bilangguan. Sa ika-apat niya na taon ay nakilala ni Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez S.J. na humikayat sa kanya na mag-aral ng mabuti at lalo na sa pagsusulat ng mga tula at siya ang naging inspirasyon ni Rizal. Nagbalik sa sigla si Rizal at natapos sa taong iyon na mayroong limang medalya. Sa ikahuli niyang taon ay naging ganap ang sigla ni Rizal sa pag-aaral at nakuha niya ang pinakamataas na marka sa lahat ng asignatura at natamo sa paaralan ang Bachiller en Artes.

Ang Ateneo de Municipal ay matatagpuan sa loob ng Intramuros, Manila. Ito pinalitan ng pangalan at naging Ateneo de Manila University sa kasalukuyan na matatagpuan sa Katipunan Ave, Quezon City, 1108 Metro Manila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento