"Buhay Bayani"
Lakbay Aral tungkol sa buhay karanasan at mga mahahalagang kasaysayang naambag ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.
Lunes, Agosto 10, 2015
Unang Reaksyon sa Lakbay Aral.
Ginawa ko ang Blog na ito dahil ito ang kapalit sa magiging Term Test namin sa subject ng Rizal's Life and His Writings. Naisip ko bilang isang estudyante gastos na naman to. At una sa lahat wala akong masyadong alam sa mga lugar na pupuntahan namin. Pero syempre kahit ganun magiging masaya ang lakad na ito kasi nagsilibing bonding namin ito ng aking mga kaklase. At marami pa kaming matutunan at malalaman pa kaming aral sa Buhay ng ating Pmabansang bayani na si Jose Rizal.
Linggo, Agosto 9, 2015
Unang Hinto: Fort Santiago (Fueza de Santiago)
Ito ay isang malaking kuta at tanggulan na ginawa para sa kongkistador na Kastilang si Miguel Lopez de Legaspi. Bago dumating ang mga Kastila, ang kinalalagakan ng Fort Santiago ay dating kaharian ni Raha Soliman. Dito nakulong ang pambansang bayani na si Jose Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan (Luneta ngayon).
Noong Pangalawang Digmaang Pangdaigdig, ang Kuta ay lubhang nasira dahil ginamit ito ng Japanese Army bilang military base. Sa Kuta ng Santiago ay maraming Pilipino ang ibinilanggo, kasama ang mga babae, pinarusahan, ang iba nama’y pinatay. Dito rin sa Kuta ng Santiago sinulat ni Dr. Jose Rizal ang kanyang tulang “ Mi Ultimo Adios” noong siya ay ibinilanggo dito nang 56 na araw, bago siya barilin ng Spanish- firing squad sa Bagumbayan (Luneta), sa umaga ng Disyembre 30, 1896.
Don Simon de Anda y Salazar escaped via this small opening during the height of the British occupation of the walled city . The Real Audencia also appointed Anda as Lieutenant Governor and Visitor-General. That night Anda took almost half of the treasury and official records with him, departing Fort Santiago through the postern of Our Lady of Solitude, to a boat on the Pasig River , and then to Bulacan. He moved headquarters from Bulacan and to Bacoloor , Pampanga.
Ang huling hakbang ni Jose Rizal sa Fort Santiago bago dalhin sa Bagumbayan, Manila (Ngayon ay Luneta) noong Ika-30 ng Disyembre taong 1896.
Noong Pangalawang Digmaang Pangdaigdig, ang Kuta ay lubhang nasira dahil ginamit ito ng Japanese Army bilang military base. Sa Kuta ng Santiago ay maraming Pilipino ang ibinilanggo, kasama ang mga babae, pinarusahan, ang iba nama’y pinatay. Dito rin sa Kuta ng Santiago sinulat ni Dr. Jose Rizal ang kanyang tulang “ Mi Ultimo Adios” noong siya ay ibinilanggo dito nang 56 na araw, bago siya barilin ng Spanish- firing squad sa Bagumbayan (Luneta), sa umaga ng Disyembre 30, 1896.
The Fortress Gate (Fort Santiago) |
Postern Marker Sa Fort Santiago |
Fort Santiago |
"Team Sexy" |
Postigo de la Nuestra Señora del Soledad (Postern of Our Lady of Solitude). |
"Ang Huling Piitan"
Sa Piitang ito inilagay si Jose Rizal noong Ika-3 ng Nobyemre hanggang Ika-29 ng Disyembre taong 1896. Siya ay nakulong dahil na pagbintangang kumakalaban sa gobyernong Kastila.
|
Si Jose Rizal at kanyang huling piitan |
Ang huling hakbang ni Jose Rizal |
Ang Fort Santiago ay matatagpuan sa may Intramuros, Manila.
At mayroon entrance fee :
75 Pesos Adult
50 Pesos sa mga Bata, Estudyante, Guro (kailangan ng ID) at,
libre po sa mga Senior Citizen at mga may Kapansanan.
75 Pesos Adult
50 Pesos sa mga Bata, Estudyante, Guro (kailangan ng ID) at,
libre po sa mga Senior Citizen at mga may Kapansanan.
Bukas po sila ng 8:00 AM - 6:00 PM.
Sabado, Agosto 8, 2015
Pangalawang Hinto: Dating Kinatatayuan ng ATENEO MUNICIPAL DE MANILA
Isang pribadong pamantasang pinatatakbo ng mga Heswita sa Pilipinas ang Pamantasang Ateneo de Manila (Ateneo de Manila University sa wikang Ingles). Matatagpuan sa Lungsod Quezon sa Metro Manila ang pangunahing paaralan nito. Naghahandog ito ng iba't ibang mga programa para sa elementarya, sekondarya, at kolehiyong antas gaya ng sining, humanidades, pangangasiwa, batas, agham panlipunan, teolohiya, purong agham at teknolohiya.
Si Rizal ay nagpunta ng Maynila noong June 20, 1872 upang kumuha ng kumuha ng pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa sa Colegio ng San Juan de Letran. Nagbalik si Rizal sa Calamba mula sa Maynila para dumalo ng kapistahan sa kaniyang pagbabalik sa Maynila ay nagbago ng isip si Rizal at nagbalak na pumasok sa Ateneo.
Hindi siya agad tinanggap sa Ateneo Municipal de Manila dahil maliit siya, mukhang sakitin at matagal nang nagsimula ang pag-aaral sa taong iyon. Mabuti na lamang at natulungan sila ni Padre Manuel Xerex Burgos, pamangkin ni Padre Jose Burgos, upang makapag-aral sa nasabing paaralan. Si Padre Jose Bech S.J. ang naging guro ni Rizal sa kanyang unang taon sa Ateneo.
Sa ikalawang taon ni Rizal sa Ateneo ay hindi siya kinitaan ng pangunguna sa klase dahil sa mga masasamang puna ng ibang guro sa kanya. Sa taong ito ay dumating din dito ang iba niyang mga naging kamag-aral sa Binan. Nahiligan din niyang magbasa ng mga aklat.
Nang dumating ang ikatlong taon niya sa Ateneo ay wala pa ring magandang resulta sa pag-aaral ni Rizal. Naunahan pa siya ng kanyang mga kamag-aral na Espanyol sa wikang Espanyol dahil sa mga husay nila sa pagbigkas ng salita. Sa taong din ito ay lumaya na ang ina ni Rizal sa bilangguan. Sa ika-apat niya na taon ay nakilala ni Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez S.J. na humikayat sa kanya na mag-aral ng mabuti at lalo na sa pagsusulat ng mga tula at siya ang naging inspirasyon ni Rizal. Nagbalik sa sigla si Rizal at natapos sa taong iyon na mayroong limang medalya. Sa ikahuli niyang taon ay naging ganap ang sigla ni Rizal sa pag-aaral at nakuha niya ang pinakamataas na marka sa lahat ng asignatura at natamo sa paaralan ang Bachiller en Artes.
Ang Ateneo de Municipal ay matatagpuan sa loob ng Intramuros, Manila. Ito pinalitan ng pangalan at naging Ateneo de Manila University sa kasalukuyan na matatagpuan sa Katipunan Ave, Quezon City, 1108 Metro Manila.
Ateneo De Municipal Source: Google |
Panandaan ng Ateneo De Municipal |
Sa ikalawang taon ni Rizal sa Ateneo ay hindi siya kinitaan ng pangunguna sa klase dahil sa mga masasamang puna ng ibang guro sa kanya. Sa taong ito ay dumating din dito ang iba niyang mga naging kamag-aral sa Binan. Nahiligan din niyang magbasa ng mga aklat.
Dating kinatatayuan ng Ateneo de Municipal isa nalang syang malaking tent. |
Ang Ateneo de Municipal ay matatagpuan sa loob ng Intramuros, Manila. Ito pinalitan ng pangalan at naging Ateneo de Manila University sa kasalukuyan na matatagpuan sa Katipunan Ave, Quezon City, 1108 Metro Manila.
Biyernes, Agosto 7, 2015
Pangatlong Hinto: Dating Kinatatayuan ng UST
Unibersidad ng Santo Tomas (UST), ay isang pamantasan sa Maynila na itinaguyod noong taong 1611 ng Dominikano na si Miguel de Benavides, O.P., Arsobispo ng Maynila kasama sila Domingo de Nieva at si Bernardo de Santa Catalina. Unang tinawag ito sa pangalang Colegio Nuestra Señora del Santísimo Rosario hanggang sa pinangalanan ulit ito bilang Colegio de Santo Tomás bilang pag-gunita sa Dominikano na si Santo Tomas De Aquino. Noong taong 1645, itinaas ni Inocencio X ang kolehiyo sa antas ng isang pamantasan.
Labing anim na taong gulang pa lamang si Jose Rizal ng pumasok sya sa Unibersidad ng Santo Tomas, kaya wala pa siyang tiyak ng kursong gustong kunin. Ngunit sa kagustuhan ng kanyang ama kumuha sya ng kursong Pilosopiya at Letra taong 1877. Nang panahong yon, dahilan nga sa hindi pa siya makapagdesisyon, ay sumulat siya sa Padre Rektor ng Ateneo na si Padre Pablo Ramon upang humingi ng payo sa kung ano ang dapat kunin ngunithindi agad nakasagot ang Pari pagkat siya ay kasalukuyan noong nasa Mindanao. Sa unang taonniya sa Unibersidad, nag-aral siya ng Kosmolohiya, Metapisika, Teodisya, at Kasaysayan ngPilosopiya.
Dating kinatatayuan ng Unibersidad ng Santo Tomas |
Huwebes, Agosto 6, 2015
Pang Apat na Hinto: Lugar ng Paglilitis ni Dr. Jose Rizal
Panandaan ng Jesuit Compound |
The Colegio Maximo de San Ignacio was continually repaired and renovated following the 1645 earthquake until the Jesuit expulsion in 1768. Became the site of Real Seminario Conciliar de San Carlos from 1784 until 1880. Property returned to government when seminary moved out.
The Colegio de San Jose was granted royal patronage in 1722. Placed under secular administration after the Jesuit expulsion. Converted into a seminary and liberal arts college. Merged with the faculty of medicine and pharmacy of the University of Santo Tomas in 1874. Returned to the Jesuits in 1911.
Abandoned buildings used as soldiers' barracks. Known as Cuartel del Rey and later, Cuartel de Espana. It was here that the trial of Dr. Jose Rizal for sedition was held in 1896.
Miyerkules, Agosto 5, 2015
Pang Limang Hinto: Pambansang Museo (National Museum of the Philippines)
Ang Pambansang Museo ng Pilipinas ay ang opisyal na repositoryong itinatag noong 1901 bilang museong pangkasaysayang natural at pang-etnograpiya ng Pilipinas. Ang gusali ay matatagpuan sa tabi ng Liwasang Rizal malapit sa Intramuros, Manila. Dinisenyo ang gusali ng isang arkitektong Amerikanong si Daniel Burnham noong 1918. Sa ngayon, ang gusaling iyon na dati ring nagbahay sa Kongreso ng Pilipinas ay ang kinalalagyan ng mga dibisyon ng mga sining, mga likas na agham, at iba pang mga dibisyon. Kabilang sa mga pag-aaring yaman nito ang bantog na Spoliarium ng makabayang si Juan Luna.
At Ito ay matatagpuan sa Taft Ave., Ermita, Manila. At meron din pong entrance fee dito.
Lunes - Biyernes, Student 50 Pesos. Adult 150 Pesos. Senior Citizen 120 Pesos. Mas mabuti kung pumunta kayong mga estudyante dito ng Sabado o kaya Linggo dahil nagpapasok po sila ng libre.
Dito rin matatagpuan ang ilan sa mga likha ni Rizal, pati na rin ang iba pang likhang sining na patungkol sa kanya. At ito ay matatagpuan sa loob ng Gallery V ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Ang Gallery V ay ginawad kay Jose Rizal, bilang isa rin sa mga mahuhusay sa Sining at Panitikan. Makikita dito ang kanyang mga obra na, Bust of Ricardo Carnicero, San Pablo Ermitano, Oyang Dapitana, and Mother’s Revenge, a declared National Cultural Treasure.
At Ito ay matatagpuan sa Taft Ave., Ermita, Manila. At meron din pong entrance fee dito.
Lunes - Biyernes, Student 50 Pesos. Adult 150 Pesos. Senior Citizen 120 Pesos. Mas mabuti kung pumunta kayong mga estudyante dito ng Sabado o kaya Linggo dahil nagpapasok po sila ng libre.
Pambansang Museo ng Pilipinas |
Pinta para sa Pagkilala sa ating Pambansang Bayani |
Mother's Revenge ni.: Jose Rizal, 1894 |
San Pablo Ermitano |
Bust of Ricardo Carnicero
|
Pinta para sa Pagkilala sa ating Pambansang Bayani |
Martes, Agosto 4, 2015
Pang Anim na Hinto: Tahanan ni Higino Francisco
Ito ay Matatagpuan sa 525 Magsankay St. Binondo, Manila
Ito ang una naming pinuntahan kasi sa tingin namin ito ang pinakamalayo sa lahat ng lugar na pupuntahan namin. Hindi namin matukoy ang kinatatayuan nito dahil magkakaiba ang naging opinyon ng mga taong pinag-tatanungan namin. Sa sobrang laki ng Binondo pinilit naming makita ng Magdalena St,. Ngunit sa kasamaang palad Ito pala ay pinalitan na nga 525 Magsankay St,. Noong kami ay nasa Magsankay St. na may isang lalaking nagtanong samin kong sino ba yung ninahanap namin sa kanilang lugar, nang siya ay tinanong namin kung sa matatagagpuan ang Bahay ni Higino Francisco.
Nang itinuro nya sa amin ay ito na lamang ang nadatnan namin. Isang bakateng lote na kaya ganito na lamang ang naging kuha ng larawan namin.

Sa likod po ng kinauupuan ko ang dating bahay ni Higino Francisco |
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)