Linggo, Agosto 2, 2015

Pang Walong Hinto: Rizal Park (Luneta Park)

Ang Liwasang Rizal o Parkeng Rizal ay nasa puso ng Lungsod ng Maynila, Pilipinas. Dating tinatawag na Bagumbayan (mula sa "bagong bayan") noong kapanahunan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, at tinawag na Luneta pagdaka. Sa pook na ito binaril si Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896. Ang pagkamartir ni Rizal ang dahilan ng kaniyang pagiging bayani ng Himagsikang Pilipino, bagkus, ipinangalan sa kanya ang liwasan para ikarangal ang kanyang pagkabayani. Pinalitan ng opisyal na pangalang Liwasang Rizal ang parke bilang parangal kay Rizal. Nagsisilbi ring punto ng orihen o Kilometro Sero patungo sa lahat ng ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal. Matatagpuan ito sa Intramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita.

Ang bantayog ni Jose Rizal
Malaki ang naging papel ng Rizal Park sa ating kasaysayan maging sa tunguhin ng pamahalaan na makabuo ng isang pambansang pamayanan at kaakuhan. Sa liwasang ito hinangad na ipakita at ipagmalaki ng pamahalaan ang mga katangian at kaakuhan ng bansa. Dito makikita ang pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan sa paglalahad, pagpapakilala at pagpapalaganap ng pambansang kaakuhan base sa konsepto ng pagkakaroon ng iisang bansa na nagmumula kay Jose Rizal.


Bantayog ng Pambansang Bayani at ang "Pambansang Photo Boomer"
Kung Makikita nyo sa lawarang ito ang Pambansang Photo Boomer ng Bantayog ng Pambansang bayani na si Jose Rizal. Napakaraming bumatikos sa DMCI, nagmamay ari ng Torre de Manila. Subalit pinag aaralan pa ren ng Supreme Court ang posibleng mga nilabag ng DMCI sa nakakasira sa View ng Bantayog ni Jose Rizal. Dapat lang na tanggalin ang konstraksyon na ito dahil ito nga ay isang hindi pag respeto sa Pambansang Bayani ng Pilipinas. 


2 komento: