Biyernes, Agosto 7, 2015

Pangatlong Hinto: Dating Kinatatayuan ng UST

Unibersidad ng Santo Tomas (UST), ay isang pamantasan sa Maynila na itinaguyod noong taong 1611 ng Dominikano na si Miguel de Benavides, O.P., Arsobispo ng Maynila kasama sila Domingo de Nieva at si Bernardo de Santa Catalina. Unang tinawag ito sa pangalang Colegio Nuestra Señora del Santísimo Rosario hanggang sa pinangalanan ulit ito bilang Colegio de Santo Tomás bilang pag-gunita sa Dominikano na si Santo Tomas De Aquino. Noong taong 1645, itinaas ni Inocencio X ang kolehiyo sa antas ng isang pamantasan.

Dating kinatatayuan ng Unibersidad ng Santo Tomas
          Labing anim na taong gulang pa lamang si Jose Rizal ng pumasok sya sa Unibersidad ng Santo Tomas, kaya wala pa siyang tiyak ng kursong gustong kunin. Ngunit sa kagustuhan ng kanyang ama kumuha sya ng kursong Pilosopiya at Letra taong 1877. Nang panahong yon, dahilan nga sa hindi pa siya makapagdesisyon, ay sumulat siya sa Padre Rektor ng Ateneo na si Padre Pablo Ramon upang humingi ng payo sa kung ano ang dapat kunin ngunithindi agad nakasagot ang Pari pagkat siya ay kasalukuyan noong nasa Mindanao. Sa unang taonniya sa Unibersidad, nag-aral siya ng Kosmolohiya, Metapisika, Teodisya, at Kasaysayan ngPilosopiya.

Unibersidad ng Santo Tomas, 1611
Source: Google

          Matapos ang paghihintay ng isang taon, natanggap din ni Rizal sa wakas ang payo ngPadre Rektor. Iminungkahi nito sa kanya na ang kursong Medisina ang nararapat para sa kanya.Agad-agad naming sumunod si Rizal sa payong iyon, at nagpatala sa kursong Medisina (1878-1879). Bukod sa rekomendasyong ito ng pari, ninais na rin ni Rizal na kunin ang kursong itoupang magamot ang noo'y lumalalang pagkabulag ng kanyang ina sanhi ng katarata.

UST sa kasalukuyan.
Source: Wikipedia.UST

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento